Connect with us

Lifestyle

Nag-Viral Ang Isang Bata Dahil Sa Cake Gawa Sa Nilupak Na Saging.

Published

on

Isa ang ‘birthday cake’ sa mga hindi mawawala sa handaan tuwing may isang tao na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, at ito pa nga ay mas nagiging maganda kapag mayroon pa itong birthday candle na pinaniniwalaan natin na kapag ikaw ay humiling bago mo ito ihipan ay maari itong mabigyan ng katuparan.

Ngunit hindi nga naman lahat ng taong nagdiriwang ng kaarawan ay nakararanas na magkaroon ng birthday cake, dahil ang paghahanda sa kaarawan ng isang tao ay nakadepende pa rin sa kakayahan ng kanyang pamilya.

Samantala, kamakailan lamang ay may isang bata na nagdiwang ng kanyang kaarawan na umagaw ng pansin sa mga netizens. Ito ay dahil sa kumalat nga niyang larawan na kinunan nung araw ng kanyang kaarawan ay makikita na sa halip na birthday cake na gawa sa icing at sugar flower ang kanyang handa,

ay isa itong nilupak na saging na inihugis ng bilog at nilgyan lamang ng dekorasyon na “Happy Birthday”. Ayon sa ulat, ang naturang nilupak na saging na ginawang cake, ay ginawa ng mismong ina ng batang si Lixter na siya ngang nagdiwang ng ika-11 taon niyang kaarawan.

Dahil nga sa nagipit ang ina niyang kinilalang si Nanay Lea nung mismong araw ng kaarawan ng kanyang anak, ay ito na lamang ang naisipan niyang gawin upang mairaos lamang ang espesyal na araw na ‘yon sa buhay ng anak niya.

Pagbabahagi pa ng in ani Lixter, sa kabila ng nilupak na saging na ginawang cake lamang ang kanyang nakayanan na maibigay sa kanyang anak, ay pinaghirapan naman niya itong gawin at ito ay ginawa niya na punong-puno ng pagmamahal.

Narito nga ang buong post ng ina ni Lixter; “Happy birthday dong, hinaot unta nga tagaan paka ug kabaskog sa lawas ug kaon na ug tuda aron manambok na hehehe hinaot unta mahurot na akong hinimo na nilosak cake nemu haha gikapoy raba jud ko ug lusak ana dong hahaha. I love you.”

Ang nilupak na saging o tinawatag ngang nilusak sa ibang lugar ay magagawa gamit lamang ang tatlong ingrredients, at ang pinakapangunahing ingredients nga nito ay ang bunga ng saging na isa sa mga produkto ng ating bansa kaya naman mura lamang itong mabibili sa mga merkado.

Sa ibang lugar kung saan maraming tanim ng puno ng saging ay libre nga lamang nilang nakukuha ang bunga nito, lalo na kung sila ay may sariling pananim.

Kilala rin ang nilusak bilang isa sa mga masasarap na meryenda, kaya naman maraming mga Pinoy ang paborito ito.

Marami naman ang naantig sa naging ‘effort’ ni Nanay Lea na magawan ng cake ang kanyang anak sa kaarawan nito, kahit pa nga ba ito ay isang nilusak na saging. Kaya naman agad na nag-viral ang larawan ng anak niyang si Lixter na hawak ang nasabing cake.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Lifestyle

Pinagbigyan Ng Pulis ang Batang Nakiusap Na Mayakap Ang Amang Nasa Loob Ng Piitan.

Published

on

Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ng isang netizen na may ngalang Flavio Ang Panday sa kanyang Facebook account. Kung saan pinagbigyan nito ang munting hiling ng isang paslit na mayakap ang kaniyang ama.

Ibinahagi nito sa kanyang social media account ang naging kwentuhan nila ng batang paslit ukol sa mumunting kahilingan nito.

“Sir mamang Pulis… Pwede kopo bang mayakap ang aking papa? Mis na mis ko na po ang papa ko pwede niyo ba siyang palayain na. Banggit ng bata.

Dagdag pa raw nito, ay kung maaaring payagan na raw makalaya na ang kaniyang ama. Ngunit pagpapaliwanag ng pulis na hindi ito maaari at tanging ang mga kinauukulan lamang ang makakapagdesisyon nito.

“naku ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika  para hindi namamagitan ang rehas sa pag yakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling…”

Sa murang edad ay tila naintindihan naman nito ang paliwanag ng pulis pero ang lubos pa rin nitong ikinatuwa nang mapagbigayan ang kaniyang kahilingan na mayakap ang kanyang tatay.

Laking pasasalamat naman ni bata sa pulis, nang ito ay magpaalam, ngiti na umalis kasama ng kaniyang ina.

Sa huli, ay nais maiparating ng maunawaing pulis na hindi man maganda ang naging imahe ng iilan sa kanilang mga kabaro, ay mas marami pa rin ang pinipiling magkaroon ng mabuting puso at pantay na pagtingin sa bawat mamamayan.

Ayon sa kanyang panghuling salaysay,

“Matapang naman talaga ang tagapag patupad ng batas ngunit may puso rin at May pakiramdam kami… Kahit anu pa ang nagawa ng taong lumabag sa batas sadya talagang may puso kami at sila na bilanggo ay may karapatan parin kahit bilango at tanging panginoon lang ang magpapasya balang araw pag dumating na ang takdang araw.”

Kaya naman magpasangayon ay napakaraming netizens ang nagpapakita ng kanilang paghanga at pagsaludo sa kabutihang loob ni “Flavio Ang Panday”

Basahin ang ilan sa mga papuring komento:

Continue Reading

Lifestyle

Viral Sa Social Media, Ang Mag Asawang Nag Lilibot Sa BOhol Upang Mamigay Ng Bahay Sa Mahihirap.

Published

on

Labis na nakakataba ng puso at nakakatuwa ang mga taong nagbibigay at tumutulong sa mga nangangailangan. Ang mga ganitong tao ang mas lalong pinagpapala at binibiyayaan ng Panginoon

Katulad na lamang ng mag-asawang namimigay ng bahay para sa mga mahihirap at ngayon ay viral na sa social media ang kanilang pagtulong.

Sa Facebook post ng netizen na si Ronal Casil, naglilibot umano sa probinsya ng Bohol ang mag-asawang sina Terrence at Beth Martin upang tumulong sa mga walang tirahan.

Ayon kay Ronald, marami ng natulungan ang mag-asawa at umabot na sa 65 na bahay na ang kanilang naipamigay at gusto pa raw nilang dagdagan ang mga ito.

Bukod sa pamimigay ng bahay ay may mga pinag-aaral din ang mag-asawa.

“Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla,” sabi ni Ronald.

Ayon sa mag-asawa, hindi lang hanggang ika-65 dahil may mga ka sunod pa ang mga ito at ginagawa na rin para ibigay din sa mga walang maayos na matutulogan.

Hindi nila alam kung hanggang saan at ilan ang kanilang mabibigyan ng bagong bahay dahil gusto talaga na makatulong lalong lalo na sa mga mahihirap at para narin makatulog ng maayos ang isang pamilya.

Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla.

Binibigyan din nila ng kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya upang may magamit sila panimula sa kanilang  ikinabu-buhay.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at please Subscribe to A Foreigner in the Philippines!”

Continue Reading

Lifestyle

Nadine Nag Viral Dahil Sa Pagbili Ng Sawsawan Ng ‘Lechon’ Sa Isang Sari-Sari Store Sa Siargao

Published

on

VIRAL na ang litrato ng actress-singer na si Nadine Lustre habang bumibili ng “sawsawan” ng ulam sa isang sari-sari store sa Siargao, Surigao del Norte.

In fairness naman sa ex-girlfriend ni James Reid kahit wala siyang make-up at walang kaayus-ayos ay lutang na lutang pa rin ang kanyang Pinay beauty.

Makikita sa kumalat na stolen shot ni Nadine sa social media ang s

Makikita sa kumalat na stolen shot ni Nadine sa social media ang suot niyang swim top na tinernuhan ng denim shorts habang hawak ang biniling bote ng sikat na sawsawan ng lechon.

Isang Facebook user na nagngangalang Arah Mae Conte ang nag-post ng litrato ni Nadine na nagsabing kung sa bahay daw nila nag-stay ang aktres ay hindi niya ito palalabasin.

“Kng pag suyod pa lamang sa bayay tag kit-an ko nkaw di ko nkaw gjud pa lugwaon Nadine (Kung ’pag pasok pa lang sa bahay Nadine nakita na kita, ’di na kita palalabasin),” ang caption ni Arah Mae sa kanyang FB post.

Aniya pa sa isang panayam, “Nu’ng ’pag picture ko po tumingin lang sa’kin tapos balik po agad sa tinda po namin kasi sinuklian na siya. Sana lang po ’wag magalit si Nadine po, na-shock lang po talaga ako.”

Wala pa namang violent reactions si Nadine sa viral niyang photo ngayon at feeling naman namin ay hindi siya magagalit sa ipinost ng netizen dahil hindi naman bastos o offensive ang litrato.

Sa katunayan, marami ang nag-repost nito kalakip ang mga nakakatawa at nakakaaliw na memes. Isang fan pag nga ang naglagay ng caption sa photo ng, “Lechon Kawali ulam ni Nadine Lustre.”

“’Yung nautusan ka ng nanay mong bumili sa tindahan. Nadine living a simple life in Siargao,” sabi naman ng isang Facebook user sa kanyang post.

May nagkomento naman na baka raw matulad na ang dalaga kay Andi Eigenmann na iniwan na tuluyan nang iniwan ang showbiz kapalit ng simpleng buhay sa Siargao kasama ang kanyang pamilya.

Mukha raw kasing enjoy na enjoy talaga ang ex-dyowa ni James sa nasabing isla kaya hindi rin imposible na ma-in love siya sa ganda ng Siargao.

Nauna nga rito, nag-viral din ang ilang litrato ni Nadine kasama ang kanyang rumored foreigner boyfriend na si Christopher Bariou habang naglalamiyerda sa Siargao.

Wala pang kumpirmasyon mula sa aktres kung totoong dyowa na niya ito pero mukhang boto naman ang kanyang mga fans sa guy dahil mas marami ang nabasa naming positive comments about it.

Continue Reading

Trending