Connect with us

Entertainment

Usap-usapan Ngayon Sa Social Media ang Tiktok Videos Nina Ellen Adarna At Derek Ramsay.

Published

on

Sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang isa sa pinakakilala at kontrobersiyal na celebrity couple ngayon sa Pilipinas. Simula noong kumpirmahin ng dalawa ang tungkol sa kanilang relasyon ay madalas na nilang ibinabahagi o ipinakita sa publiko kung gaano nila kamahal at ka-sweet sila sa isa’t isa.

At kamakailan lamang nga ay muli na namang nagbigay kilig ang dalawa sa kanilang mga followers at supporters sa video nilang dalawa na ibinahagi sa social media.

Sa nasabing video, makikita ang aktres na masayang tumatakbo kay Derek. Binuhat naman kaagad ng aktor si Ellen bago sila umikot ikot.

Ang nasabing video ay kaaagd na umani ng maraming views matapos itong i-report ng 33 taong gulang na aktres sa kaniyang Instagram Stories.

Bukod sa naturang video, may ilan pang mga TikTok videos sina Ellen at Derek na nagpapakita ng kanilang pagmamahal at affection sa isa’t isa. May isa pa ngang video kung saan makikita ang kanilang ‘kalog’ moments.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Always seen Ellen laughing with Derek not seen her that way with JL. They’re really compatible with same hobbies”

“I like Ms. Ellen very natural .. she’s very vocal sa Kung ano at Sino sya.. soooo simple yet straight forward.. ”

“I love them both. I can not get enough of them because they’re real people. They don’t care some people bashing them as long as they’re happy.”

Matatandaan na nitong taon lamang ay gumawa ng ingay sa social media sina Ellen at Derek. Una ay ang mga larawan ng dalawa kung saan makikita silang magkasama sa mga pasyalan sa bansa bago pa nila aminin ang tungkol sa kanilang relasyon.

Ang sumunod naman ay ang pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon at ang pagpo-propose ng aktor kay Ellen kamakailan lamang.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Entertainment

Family Ni Mahal Nag Pasalamat Kay Mygz: Ginawa Niya Lahat Para Maisalba Ang Kapatid Namin

Published

on

SOBRANG nagpapasalamat ang pamilya ng pumanaw na komedyanang si Mahal sa espesyal na kaibigan nitong si Mygz Molino.

Si Mygz kasi ang nakasama ni Mahal o Noeme Tesorero sa tunay na buhay sa mga huling araw nito sa mundo at talagang hindi raw nito pinabayaan ang kanilang kapamilya.

Ayon sa mga kapatid ni Mahal na sina Lani at Jason Tesorero, hinding-hindi nila malilimutan ang ibinigay na pagmamagal at ginawang pag-aalaga ng binatang vlogger sa komedyana noong magkasakit ito.

At hanggang sa huling sandali ng buhay ni Mahal ay si Mygz pa rin ang kasa-kasama ng panganay nilang kapatid.

Sa panayam ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” binanggit muna nina Lani at Jason kung anu-ano ang mga mami-miss nila sa kanilang ate Mahal.

Unang-una raw na hahanap-hanapin nila ngayong wala na ang kapatid ay ang nakakahawang tawa nito. Nabanggit din nila ang pagiging matulungin at mapagmahal ng komedyana.

Sabi nga ni Lani, talagang itinuring ng kanyang ate na parang tunay na mga anak ang kanyang mga anak.

Kasunod nito, nagpasalamat nga ang magkapatid kay Mygz dahil hindi nito iniwan at pinabayaan si Mahal. Ginawa raw ng binata ang lahat para maisalba pa ang buhay ng komedyana.

 “Matagal na po namin siyang kilala, may tiwala kami sa kanila. Thankful din kami sa kanila hanggang sa huling hininga ni Mahal inalala nila kung paano gagawin ang lahat para maisalba yung buhay ni Mahal,” pahayag ni Jason.

Samantala, balak ng pamilya ni Mahal na pagsamahin ang abo ng aktres at abo ng kanilang ama na na sumakabilang-buhay na rin kamakailan lamang dahil sa kidney failure, dulot ng COVID-19.

Ayon naman kay Mygz, hindi pa siya handang magpa-interview dahil wala pa siyang lakas ng loob para pag-usapan ang pagkawala ng kanyang kaibigan.

Nauna rito, nagbigay din ng mensahe si Jason para sa pumanaw na kapatid, “We are proud of you. Sa lahat ng na-achieve mo sa buhay. Maraming salamat sa lahat ng tulong na ibinigay mo sa amin. Pati sa fans mo sa pagbibigay saya at halakhak, tawa. Maraming salamat.”

Sabi naman ni Lany, “Mahal na mahal namin siya at hinding-hindi namin siya makakalimutan.”

Continue Reading

Entertainment

Ibinahagi Ni Kisses Delavin Ang Baon Niya Kada Araw Habang Nag Aaral Sa Kolehiyo.

Published

on

Trending ngayon sa social media ang panayam ng television host na si Boy Abunda kay Pinoy Big Brother finalist at Miss Universe Philippines candidate na si Kisses Delavin.

Ikinuwento ni Kisses ang ilan sa mga mahahalagang istorya ng kanyang buhay, kasama na dito ang kanyang karanasan habang nag aaral ng kolehiyo.

Dahil mula siya sa Masbate ay nagkaroon siya ng “culture shock” ng siya’y mag aral na sa De La Salle University (DLSU) sa Maynila para kumuha ng kursong accountancy.

“When I arrived, I realized that a lot of people didn’t know where Masbate was so a lot of people assumed that ‘yung mga taga Masbate ‘ratatat’ mga ganon..” kwento ni Kisses.

“I had always to explain that no Masbate is a beautiful city, promise trusts me.” dagdag niya pa.

Ibinahagi din niya na pinapahalagahan niya ang pera, ngunit hindi ito umabot sa punto na nagiging kuripot siya.

Ayon sa kanya ay sobrang tipid niya pagdating sa kanyang allowance sa Maynila.

“I’m careful with how much I spend. Here in Manila you can just go to the mall and 1000 is gone.

“So sina mommy and daddy pinapabuanan ako ng P1,000 per day sa La Salle pero I think I would spend mga 100 one week na ‘yon,”

“Because I eat at home,” ani Kisses.

Naging viral naman ang pahayag na ito ni Kisses sa social media dahil sa hindi naman lahat ng tao ay nakakapagbaon ng 1,000 kada araw.

“masarap siguro buhay ni kisses noh ang laki nang baon sa school kami no on pag humihingi 2 pesos lang tas sabay sabi pa sa nanay magtipid kayo! saklap,” ani netizen Mary Fe Gastones.

“Sana all 1k a day baon, ako dati dumadayo pa sa (PUP) stop n’ shop para sa unli lugaw na puro sabaw o kaya kina Pangga para sa half rice at ginisang puso ng saging. Minsan Calamares-dos isa sa kanto ng Nagtahan talo-talo na,” sabi naman ni Elanor Sarmiento.

May ilan naman na sinabi na posible naman talaga na gumastos lang ng 100 kada linggo si Kisses dahil malapit lang naman ang kanyang tinitirhan sa eskwelahan niya.

“Yung condo kasi niya nasa tapat lang mismo ng DLSU kaya wala siya gastos sa pamasahe tapos sa condo rin daw siya nakain kaya wala rin siya gastos sa pagkain. Candy lang siguro gastos niya kaya 100 lang per week. Haha! Rich kid pero marunong magpahalaga sa pera na pinagpaguran ng mga magulang.” paliwanag ni Mic Black.

Continue Reading

Entertainment

Neil Salvacion ,Ex-Bf Ni Rabiya Mateo, Nag-Audition Sa Pbb

Published

on

Mukhang balak mapabilang ng ex-boyfriend ni Miss Universe Philippines 20

20 Rabiya Mateo na si Neil Salvacion sa season 10 ng ‘Pinoy Big Brother’ na tatawaging ‘PBB Kumunity Season 10’ sa Kapamilya Network. Nagpadala siya ng kaniyang audition video nitong September 7 para sa naturang reality show.

Subalit hindi nakaligtas sa mapanuring tenga ng netizens ang tila pasaring umano nito kay Rabiya. Sa audition video, makikitang nakasuot ng hospital uniform si Neil habang sumasayaw-sayaw. Maya-maya, ipinakilala na niya ang sarili bilang si Neil Salvacion, 27, isang frontliner mula sa Iloilo City.

“Galing po ako sa hospital. Medyo maraming pasyente pero kayang-kaya,” aniya.

“Ako po ay isang COVID nurse na dapat ay mag-a-abroad, pero mas piniling manilbihan dito sa bansa bilang frontliner. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang buhay ko po ay hospital, bahay. Minsan ay masisilayan mo yung mga huling hininga ng mga pasyente,” pagdidiin niya.

Matatandaang naghiwalay ang magjowa noong Mayo 2021, matapos sumabak si Rabiya sa Miss Universe 2020 sa Amerika. Napansin kasi ng netizens na inunfollow ni Neil si Rabiya sa Instagram at binura nito ang mga larawan nila, bagay na nagiging trend na rin ngayon bilang palatandaan ng hiwalayan sa showbiz (Heaven Peralejo at Kiko Estrada/Paolo Contis at LJ Reyes).

Kinumpirma naman ni Neil na wala na sila ni Rabiya noong June 4. Pitong taon din umano silang naging magjowa. Hindi naging malinaw ang dahilan ng kanilang hiwalayan, subalit inamin ni Rabiya na kumplikado umano ang kanilang relasyon.

Samantala, wala pang reaksyon o komento si Rabiya hinggil sa audition video ni Neil, o maging sa balak nitong maging housemate sa panibagong season ng PB

“Dumating ang panahon na bawal kang lumapit sa mga mahal mo sa buhay dahil hindi mo alam kung positive o negative ka. Kailangan mong mag-isolate. Nakakalungkot man na kailangang ma-isolate ng ilang buwan.”

Subalit ang makahulugang pahayag ni Neil sa bandang dulo ang nakapukaw sa atensyon ng marami: dahil parang ‘humuhugot’ ito sa naging breakup nila ni Rabiya. Binanggit kasi niya na mas malungkot maiwan ng taong minamahal lalo na’t may pangarap itong ‘korona.’

“Mas nakakalungkot pala na maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona. Ang coronavirus at korona sa patimpalak ay ilan lamang sa mga hamon sa aking buhay. It’s about time to share my story, how I conquered them, and how I will inspire other people. Bagong bahay, bagong buhay, bagong mga hamon sa buhay,” wika niya.

Continue Reading

Trending