Connect with us

showbiz

Komedyanteng Si Pooh, Kinagiliwan Ng Mga Netizens Dahil Sa Pagbahagi Ng Kanyang Lumang Litrato.

Published

on

Komedyanteng si Pooh, ibinahagi ang kanyang lumang litrato na nagbigay tuwa at kasiyahan sa mga netizens

Naaalala niyo pa ba ang komedyanteng si Bien Co o mas kilala bilang sa stage name nitong Pooh? Tiyak na maraming netizens ang pamilyar sa kanya dahil isa ito sa magagaling na komedyante, aktor, singer at impersonator ng ABS-CBN network noon.

Matatandaang isa si Pooh sa mga regular na host at nagpapatawa sa comedy [email protected] show noon na Banana Split kung saan kasama nito ang iba pang kilalang, magagaling magpatawa at magpasaya ng mga tao.

Sa GMA network unang napanood si Pooh sa Philippine television nang maging guest ito sa afternoon show na SiS ngunit ayon sa kanya, ang ABS-CBN talaga ang nagbigay sa kanya ng oportunidad at mga proyekto kaya mas maraming mga viewers ang naka-kilala rito.

Noong 2013 ay nagsimulang maging impersonator ito ng pambansang kamao na si Manny Pacquiao na kinagiliwan ng nakakarami. Hindi naman maipagkaka-ilang may pagka-hawig talaga ang komedyante at ang pambansang kama0, idagdag pa na napaka-galing na impersonator nito dahil kuhang-kuha niya hindi lamang ang itsura ni Manny, kung hindi pati na rin ang kanyang mga galaw at pagsasalita.

Lalo pang napatunayan ni Pooh na magka-hawig talaga sila ni Manny nang magbahagi ito ng isang letrato sa kanyang Instagram account. Kamakailan-lamang ay nagbahagi si Pooh sa kanyang Instagram account ng isang throwback photo nitong binata pa siya na makikita sa latest post nito.

Makikita sa letrato na batang-bata pa si Pooh dito at lalaking-lalaki pa dahil kinuhanan pala ito noong taong 90’s pa. “Sino nagsabi na pan0t ako???????#early90’s pasok [email protected]!! Hahahaha” pagbibiro nito sa kanyang caption dahil hindi naman lingid sa isipan ng mga all time viewers at taga-hanga nito ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang buhok ngayon kumpare ng nasa letrato.

Talaga namang napaka-labong at kapal ng kanyang buhok noong kabataan nito kaysa ngayon lalo na at nagkaka-edad na rin ito. Maraming netizens ang natuwa sa pagbabahagi ni Pooh ng kanyang throwback photo dahil napansin ng mga ito na lalong kahawig ni Pooh si Manny Pacquiao noon. Hindi lamang ang mga netizens ang natuwa sa letrato kung hindi pati na rin ang mga kaibigan nito sa showbiz at nagbigay ng kanilang kumento.

Samantala, tulad ng iba pang mga kilala personalidad sa mundo ng showbiz, pinasok na rin ni Pooh ang mundo ng Youtube kaya naman mapapanood ang kanyang nakakatuwang vlogs sa kanyang sariling Youtube channel.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

showbiz

Binalikan Ng Mga Netizens Ang Panayam Noon Sa Aktres Na Si Yen Santos Tungkol Sa Mga “KABIT” Sa Totoong Buhay.

Published

on

Binalikan ng mga netizens ang panayam noon sa aktres na si Yen Santos tungkol sa mga “KABIT” sa totoong buhay.

Ito ay matapos madawit ang pangalan ng aktres na si Yen Santos sa hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Hula ng marami na si Yen ang 3rd party sa hiwalayang Paolo at LJ.

Ito ay matapos na kumalat ang isang video clip kung saan makikitang naglalambingan habang naglalakad si Paolo at ang isang babae na namukaan ng mga netizens at ito ay walang iba kundi si Yen Santos.

Dahil sa pangyayari, binalikang muli ng mga netizens ang naging panayam noon ni Yen kung saan nagbigay siya ng mensahe tungkol sa mga “kabit” sa totoong buhay.

Ito ay noong mga panahon na sikat ang kanilang serye na “Halik.”

Narito ang pahayag ni Yen:

“May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli.

May mga bagay na sa una lang masaya, nakukuha mo ‘yung gusto mo, pero ang totoo niyan, ano ka ba talaga sa buhay ng taong pinasukan mo?

Pwedeng sa bandang huli talagang ibabasura ka lang pala niya pero andyan may taong nagmamahal, may tao talagang nagmamahal para sa’yo na tanggap ka kung ano ka.”

Continue Reading

showbiz

Isa Ng Myembro Ng Philippine Coast Guard Auxiliary Julia Barretto.

Published

on

Matapos ang kanyang training, opisyal ng inanunsyo ng Philippine Coast Guard o PCG ang kanilang bagong ganap na volunteer na aktres na si Julia Barretto sa PCG Auxiliary K9 Squadr0n.

Ibinahagi ng PCG ang balitang ito sa kanilang official Facebook page. Makikita dito ang oath taking ni Julia na pinangunahan ni PCG Commandant and CG Admiral George V. L na ginanap sa kanilang national headquarters sa Port Area, Manila.

“During the event, the Coast Guard Commandant highlighted the increasing need for K9 units in the country for the prom0ti0n of national security,” lahad ng PCG.

Nagsalita din Si “Auxiliary Ensign Barretto” sa mga PCGA members sa kanyang oath taking.

“She thanked the PCG, especially the PCGA K9 Squadron, for welcoming her into the field of public service. In return, she pledged to actively support the initiatives of the unit towards the delivery of humble and compassionate service to the Filipino people,” dagdag pa nito.

Isa ding miyembro ng Auxiliary Lieutenant Commander ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. Kaya naman, siguradong isa si Gerald sa nagencourage sa kanya. Nakakabilib si Julia sa kanyang ginawa para makapaglingkod sa bayan ay at maging bahagi ng mga volunteers ng PCG.

Bilib na bilib din ang mga netizens kay Julia narito ang kanilang mga papuri at komento:

“Welcome to the club you made the Philippine Coast Guardians a better person”

“good cause juls, but i wish she would undergo basic training lang so that she can function well also. basics including tamang tindig. good move julsss?”

“Snappiest Salute to you Ms.Julia Barreto as you chose to be part and be a voluntarily servant of our beloved PHILIPPINE COAST GUARD..Godbless and more power to all CoastGuardians?..”

“Nice? But Julia needs to undergo more training to know the proper salute ?”

“Congrats julia.. Thank u anderson for being a good influence to julia. Mabuhay ang mga volunteers!”

Continue Reading

showbiz

Jilian Ward, Humanga Ang Mga Netizens Sa Kanyang Pinost Na Magandang Litrato.

Published

on

Napa-wow ang mga netizens sa latest post ni Jillian Ward kung saan makikita siyang school girl na school girl ang kanyang dating dahil sa suot niyang school uniform. Noong August 25, Wednesday, ibinahagi ng Kapuso Star ang litrato kung saan siya ay naka-uniform. Ngunit hindi lamang simpleng uniform ang suot niya kundi isang anime-style schoolgirl uniform.

Siguradong napatingin rin sa post na ito ang iba pang mga anime fanatics. Ang picture na ito na pinaulanan ng napakaraming likes ay ang ginawa niya ring bago niyang profile picture sa kanyang Instagram. Sa ngayon ay mayroon na itong mahigit-kumulang na 200 thousand likes.

Hindi lamang nag-glow up ang dating child star dahil siya rin ay nag “grow up”. Kailan lang, noong buwan ng February nang ipadiwang niya ang kanyang 16th birthday. Kaya naman makikita sa comment section ang ibang nagsabi na si Jillian ay dalagang dalaga na. Napakarami ring nag-admire at nag-appreciate sa natural beauty na mayroon siya. Kaya naman punong-puno ng mga positive messages at compliments ang comment section.

“So pretty like a doll,” ang sabi ng isang fan sa Instagram post.

“Dalaga na si Trudis Liit,” ang comment naman ng isa pang fan kung saan tinutukoy niya ang naging character ni Jillian sa isang teleserye na ipinalabas noong taong 2010.

Matatandaang noon pa man ay napakarami na ng mga sumusuporta sa kanya kahit noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya. Dahil sa kanyang cuteness at pagiging bubbly ay nakilala siya sa showbusiness. Pagdating naman sa actingan, hindi rin siya nabigong patunayan at ipakita ang angkin niyang galing pagdating dito.

Sa bawat role na nabibigay sa kanya ay siguradong inaabangan ng mga manonood. Lagi siyang isa sa mga rason kung bakit inaabangan ang mga proyektong kanyang kinabibilangan. Kayang kaya niyang makipag-sabayan sa mga batikang artista.

Napakarami na rin ng mga projects na nabigay sa aktres kaya lalo siyang nakilala ng mga tao.

Ang pamamayagpag ng career sa industriya ni Jillian ay nagsimula sa GMA-7 kung saan siya ay isa sa mga promising young stars. Kailan lang naman nang makuha niya ang attention ng mga manonood sa kanyang role sa hit Afternoon Prime series na “Prima Donnas.”

Si Jhyllianne “Jillian” Ward ay isang filipina-american. Isa siyang aktres, model, youtuber at singer dito sa bansa.

Continue Reading

Trending