Connect with us

showbiz

Jilian Ward, Humanga Ang Mga Netizens Sa Kanyang Pinost Na Magandang Litrato.

Published

on

Napa-wow ang mga netizens sa latest post ni Jillian Ward kung saan makikita siyang school girl na school girl ang kanyang dating dahil sa suot niyang school uniform. Noong August 25, Wednesday, ibinahagi ng Kapuso Star ang litrato kung saan siya ay naka-uniform. Ngunit hindi lamang simpleng uniform ang suot niya kundi isang anime-style schoolgirl uniform.

Siguradong napatingin rin sa post na ito ang iba pang mga anime fanatics. Ang picture na ito na pinaulanan ng napakaraming likes ay ang ginawa niya ring bago niyang profile picture sa kanyang Instagram. Sa ngayon ay mayroon na itong mahigit-kumulang na 200 thousand likes.

Hindi lamang nag-glow up ang dating child star dahil siya rin ay nag “grow up”. Kailan lang, noong buwan ng February nang ipadiwang niya ang kanyang 16th birthday. Kaya naman makikita sa comment section ang ibang nagsabi na si Jillian ay dalagang dalaga na. Napakarami ring nag-admire at nag-appreciate sa natural beauty na mayroon siya. Kaya naman punong-puno ng mga positive messages at compliments ang comment section.

“So pretty like a doll,” ang sabi ng isang fan sa Instagram post.

“Dalaga na si Trudis Liit,” ang comment naman ng isa pang fan kung saan tinutukoy niya ang naging character ni Jillian sa isang teleserye na ipinalabas noong taong 2010.

Matatandaang noon pa man ay napakarami na ng mga sumusuporta sa kanya kahit noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya. Dahil sa kanyang cuteness at pagiging bubbly ay nakilala siya sa showbusiness. Pagdating naman sa actingan, hindi rin siya nabigong patunayan at ipakita ang angkin niyang galing pagdating dito.

Sa bawat role na nabibigay sa kanya ay siguradong inaabangan ng mga manonood. Lagi siyang isa sa mga rason kung bakit inaabangan ang mga proyektong kanyang kinabibilangan. Kayang kaya niyang makipag-sabayan sa mga batikang artista.

Napakarami na rin ng mga projects na nabigay sa aktres kaya lalo siyang nakilala ng mga tao.

Ang pamamayagpag ng career sa industriya ni Jillian ay nagsimula sa GMA-7 kung saan siya ay isa sa mga promising young stars. Kailan lang naman nang makuha niya ang attention ng mga manonood sa kanyang role sa hit Afternoon Prime series na “Prima Donnas.”

Si Jhyllianne “Jillian” Ward ay isang filipina-american. Isa siyang aktres, model, youtuber at singer dito sa bansa.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

showbiz

Binalikan Ng Mga Netizens Ang Panayam Noon Sa Aktres Na Si Yen Santos Tungkol Sa Mga “KABIT” Sa Totoong Buhay.

Published

on

Binalikan ng mga netizens ang panayam noon sa aktres na si Yen Santos tungkol sa mga “KABIT” sa totoong buhay.

Ito ay matapos madawit ang pangalan ng aktres na si Yen Santos sa hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Hula ng marami na si Yen ang 3rd party sa hiwalayang Paolo at LJ.

Ito ay matapos na kumalat ang isang video clip kung saan makikitang naglalambingan habang naglalakad si Paolo at ang isang babae na namukaan ng mga netizens at ito ay walang iba kundi si Yen Santos.

Dahil sa pangyayari, binalikang muli ng mga netizens ang naging panayam noon ni Yen kung saan nagbigay siya ng mensahe tungkol sa mga “kabit” sa totoong buhay.

Ito ay noong mga panahon na sikat ang kanilang serye na “Halik.”

Narito ang pahayag ni Yen:

“May kanya-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumapasok sa ganyang sitwasyon pero sana bago nila isipin na pumasok sa ganyang sitwasyon, siguro isipin muna nila ‘yung consequences na pwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na pwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli.

May mga bagay na sa una lang masaya, nakukuha mo ‘yung gusto mo, pero ang totoo niyan, ano ka ba talaga sa buhay ng taong pinasukan mo?

Pwedeng sa bandang huli talagang ibabasura ka lang pala niya pero andyan may taong nagmamahal, may tao talagang nagmamahal para sa’yo na tanggap ka kung ano ka.”

Continue Reading

showbiz

Isa Ng Myembro Ng Philippine Coast Guard Auxiliary Julia Barretto.

Published

on

Matapos ang kanyang training, opisyal ng inanunsyo ng Philippine Coast Guard o PCG ang kanilang bagong ganap na volunteer na aktres na si Julia Barretto sa PCG Auxiliary K9 Squadr0n.

Ibinahagi ng PCG ang balitang ito sa kanilang official Facebook page. Makikita dito ang oath taking ni Julia na pinangunahan ni PCG Commandant and CG Admiral George V. L na ginanap sa kanilang national headquarters sa Port Area, Manila.

“During the event, the Coast Guard Commandant highlighted the increasing need for K9 units in the country for the prom0ti0n of national security,” lahad ng PCG.

Nagsalita din Si “Auxiliary Ensign Barretto” sa mga PCGA members sa kanyang oath taking.

“She thanked the PCG, especially the PCGA K9 Squadron, for welcoming her into the field of public service. In return, she pledged to actively support the initiatives of the unit towards the delivery of humble and compassionate service to the Filipino people,” dagdag pa nito.

Isa ding miyembro ng Auxiliary Lieutenant Commander ang kanyang boyfriend na si Gerald Anderson. Kaya naman, siguradong isa si Gerald sa nagencourage sa kanya. Nakakabilib si Julia sa kanyang ginawa para makapaglingkod sa bayan ay at maging bahagi ng mga volunteers ng PCG.

Bilib na bilib din ang mga netizens kay Julia narito ang kanilang mga papuri at komento:

“Welcome to the club you made the Philippine Coast Guardians a better person”

“good cause juls, but i wish she would undergo basic training lang so that she can function well also. basics including tamang tindig. good move julsss?”

“Snappiest Salute to you Ms.Julia Barreto as you chose to be part and be a voluntarily servant of our beloved PHILIPPINE COAST GUARD..Godbless and more power to all CoastGuardians?..”

“Nice? But Julia needs to undergo more training to know the proper salute ?”

“Congrats julia.. Thank u anderson for being a good influence to julia. Mabuhay ang mga volunteers!”

Continue Reading

showbiz

Prince Abdul Mateen Bolkiah, Prinsipe Ng Brunei Gusto Ma-Meet Sa Personal Si Ivana Alawi.

Published

on

Sikat na vlogger si Ivana ngunit kasama ng pangalang Ivana Alawi ay ang maraming mabuting nagawa nito para sa ating mamamayang Pilipino.

Half-Morrocan, Half-Pinay ang gorgeous actress at hindi lamang ito nag-iipon ng subscribers kundi pati na rin ang mga tagahanga nito at kasama na roon ang Prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah.

Tinanghal na “crush ng bayan” si Ivana dahil na rin sa angkin nitong ganda. Ang mga vlogs naman nito ay talagang kawili-wili lalo na ang iba’t ibang pranks na ginagawa nito sa mga malapit na tao sa kanya.

Marami na rin ang nagtataka kung bakit wala pang boyfriend ang isa sa pinaka magandang dilag sa mundo ng showbiz. Nang tanungin ito sa isang panayam, aminado si Ivana na nais nitong magkaroon ng boyfried subalit hindi pa nito nakikita ang karapatdapat para sa kaniya. Sino nga kaya ang Prince Charming ni Ivana?

Si prince Abdul Mateen ay pinanganak noong August 10, 1991 at anak ni Datu Sultan Hassanal Bolkiah sa pangalawang asawa na si Puan Hajah Maryam. Nakapagtapos ito ng master’s degree sa International Studies and Diplomacy sa Unibersidad sa London.

At dahil nasa tamang edad na ito ay naghahanap ito ng mapapangasawa at makakasama habang buhay. Aminado naman ito na nais nitong makilala ng lubos si Ivana Alawi.

Madalas umano nitong mapanood ang mga video ni Ivana at dahil doon ay mas na enganyo ito sa dalaga. Mayroon din itong private plane kung saan siya mismo ang nagpapalipad at madalas gamitin saan man magpunta. Usap-usapan naman sa social media, ang gagawing panliligaw nito sa dalaga. Makuha nga kaya ng prinsipe ang matamis na “OO” ni Ivana?

Continue Reading

Trending