Connect with us

inspiring

10 Taong Gulang, Nagtitinda ng Balut upang Maipagamot ang Nanay na Stroke.

Published

on

Yung tipong wala kang alam sa kaguluhan ng mundo. Iiyak ka lang kapag nadapa ka at tatawa ka lang kapag kiniliti ka. Napakainosente ng mundo ng mga bata. At kung puwede lang bumalik sa panahong ito ay tiyak na gagawin ng lahat.

Ang tanging kailangan lang nilang gawin ay mag-aral at maglaro. Magkaron ng magandang edukasyon, masayang kapaligiran, maayos na tirahan, sapat na pagkain at higit sa lahat ay maging masaya at makapaglaro kung kailan man nila naisin.

Subalit tila may ibang bata na hindi dinaranas ang mga bagay na ito at sadyang nakakalungkot isipin na hindi lahat ay pinalad na maging isang musmos na malaya.

Na sa murang edad ay kailangan ng maghanap-buhay upang tumulong sa kanilang pamilya. Ang iba ay kailangang huminto ng pag-aaral at kalimutan muna ang paglalaro at akuin ang isang responsibilidad na dapat sana ay para sa kanyang mga magulang at kapamilyang mas nakatatanda.

Tulad na lamang ng isang batang si Samuel E. Miguel, na sa murang edad ng 10 taon ay kinakailangan ng maghanap-buhay para diumano maipagamot at mapa-operahan ang nanay niyang na-stroke.

Ayon sa netizen na si Jane Ashley Jimenez na nagbahagi ng istorya ng bata, sadyang tumutulong diumano ang bata sa nanay nito na magbenta ng balot sa kanilang lugar. Ngunit, sa di inaasahang pangyayari ay nabagok ang nanay nito at na stroke.

Dahil sa nangyari sa ina ay kinailangan ng mag-trabaho mag-isa ng sampung taon na si Samuel. Ito raw diumano ay para maipagamot niya at maoperahan ang mahal na ina.

Nanawagan din si Jimenez na sana ay tulungan ang bata at kung sino man ang nais mag-paabot ng tulong ay ipagbigay alam na lamang sa kanya.

Baka po may gustong tumulong sakanya nagtitinda sya ng balot araw araw siya nadaan dito sa colayco na kasama mama niya kaso nabagok mama niya and na half stroke yung mama niya. Samuel E. Miguel, 10 years old palang siya nagtitinda siya para daw may pang opera yung mama niya Sa mga gusto pong tumulong paki pm nalang po ako maraming salamat”, panawagan ni Jimenez.

Ang naturang post na iyon ay sadyang nag viral online at umani ng napakaraming reactions, comments at shares sa Facebook. Marami rin ang nagpaabot ng pagnanais tumulong sa bata.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

inspiring

Usap-Usapan Ngayon Sa Socmed Ang Dalawang Transwoman Na Naging Mga “Flight Attendant Ng Cebu Pacific.

Published

on

Naging Mga “Flight Attendant Ng Cebu Pacific.

September 6, 2021Ang isa sa pinaka masarap na libangan ay ang pagbabyahe sa ibat-ibang lugar, ito rin ang nauuso at interest ng mga tao ngayon ay ang mag-travel.

May kamahalan ngunit talaga namang kakaibang “experience” at saya ang iyong mararamdaman lalo na kapag nakita mo na ang angking kagandahan ng isang lugar at destinasyon na iyong pupuntahan.

Ngunit bago ka nga makapunta sa mga pangarap mong lugar o destinasyon sa ibang bansa ay kailangan mo muna sumakay ng eroplano at para din maranasan mo ang serbisyo ng mga airline companies at ang mababait na flight attendants na siyang tutulong sa iyong paglalakbay.

Samantala, ang alam ng marami sa atin na lalaki at babae lamang ang mga flight attendant, ngunit sa hindi nakakaalaman ay mayroon na tayong mga flight attendant na mga “transwoman”.

Sila ang sinasabing kauna-unahang mga transwoman flight attendants ng Cebu Pacific.

Kapag nakita mo talaga ang dalawa ay hindi mo talagang aakalain na sila ay transwoman dahil sa kanilang itsura at tindig na babaeng babae.

Ang karanasan at tagumpay naman nina Mikee at Jess ay naging isang malaking inspirasyon para sa katulad nila na nangangarap maging flight attendant.

Ayon sa dalawa hindi naging madali ang lahat at hindi biro ang kanilang pinagdaanan, ngunit totoo nga ang kasabihan na ang lahat ay may katapusan lahat ng hirap ay napawi ng saya dahil nag bunga lahat ang kanilang pagsasakripisyo at pagsusumikap.

Kwento ni Mikee at hindi niya akalain na ang lahat ng ito ay mangyayari dahil alam niya na ang kanyang sitwasyon ay hindi pinapayagan sa ating bansa.

Ngunit nang dumating sa kanya ang pagkakataon at dahil na rin sa pamimilit at pagsuporta ng kanyang partner ay nangyari ang dati ay akala niya na hanggang pangarap nalang.

Para kay Mikee ang kanyang pagiging positibo sa buhay, dedikasyon at pagtitiyaga ang naging susi at daan niya para mapagtagumpayan ang kaligayaha na kanyang tinatamasa ngayon sa buhay.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating pangarap mo lang na akala mo ay imposible ay matutupad pala.

Kaya naman para sa lahat sana ay maging inspirasyon si Mikee at Jess na wala talagang imposibleng pangarap kung tayo ay hindi titigil sa pagsisikap at patuloy lang abutin ang pangarap para sa tagumpay ng buhay.

Continue Reading

inspiring

Isang ‘Super Lola’ Ang Nag Viral Dahil Sa Sipag Nito Sa Paghahanap Buhay Bilang Ice Cream Vendor.

Published

on

Sa tuwing makakakita tayo ng matatanda na kumakayod pa rin sa buhay ay hindi natin napipigiling mapaisip kung bakit sa edad nila ay nakakayanan pa rin nilang maghanap buhay. Nakakahanga din dahil kahit na may edad na sila ay malalakas pa rin nag kanilang katawan at kayang kaya pang makipagsabayan sa mga bata.

Isang ‘super lola’ ng Bulacan naman ang nag viral kamakailan dahil sa sipag nito sa paghahanap buhay bilang ice cream vendor.

 Ayon sa mga ulat, si Lola Angeles Merin ang inaasahan ng kanyang pamilya sapagkat ang asawa nito ay wala ng kakayahang magtrabaho pa. Na-str0ke ang kanyang asawa na naging dahilan para hindi na siya makalakad pa. Si Lola Angeles ay 73-anyos na residente ng Bulacan. Apat na barangay sa Bulacan ang nililibot niya para makapagbenta ng tinda nitong ice cream.

Aminado si Lola Angeles na hindi madali ang kanyang trabaho lalo na at mabigat ang kanyang pinapasan na paninda at malayo ang lugar na kanyang pinaglalakuan.

Sa kabutihang palad ay binigyan naman si Lola Angeles ng Unang Hirit ng mga grocery items bilang tulong sa kanya at sa kanyang pamilya. Marami ang humahanga kay Lola Angeles dahil sa kasipagan nito sa kabila ng kanyang edad.

Continue Reading

inspiring

Anniversary Gift Ng Isang Mister Sa Kanyang Asawa Pinakamamahalin Na Sinampay.

Published

on

Kahit sino marahil ang utusang kumuha ng sinampay ay tiyak na sisipagin at gaganahan basta makitang tumataginting na 200K na tig-iisang libo ang iyong mga sinampay.

Nagviral ang videong ito na ibinahagi sa Tiktok ng netizen na si Sanchikz, at ngayon ay umaabot na sa 1.1 million views ang nasabing video. *

Ayon sa uploader ng video, nais nyang sorpresahin ang kanyang may bahay sa kanilang 13th wedding anniversary at talaga namang napasaya nya ng husto ang misis.

“Gusto ko lang talaga pasayahin at maging memorable ’yung 13th anniversary namin ng wife ko. Kung tutuusin, kulang pa po ’yan binigay ko sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal niya samin at ’di talaga matutumbasan ng pera ’yun,” pahayag ni mister sa panayam sa kanya ng The Philippine Star.

Nais ni mister na masuklian naman ang pagod, sakripisyo at pagmamahal na ibinubuhos ng kanyang misis sa kanilang pamilya.

Kaya naman nag-isip si mister ng magandang paraan kung saan ay masu-sorpresa nya ang kanyang kabiyak at hindi naman siya nagkamali sa naging desisyon.

Makikita rin sa video sa Tiktok kung paano nya ito masusing binuo ang tig-iisang libo at inilatag sa isang plastic cover na nagmistulang kortina na nakasamapay.

 “Iba talaga kapag ikaw gumawa eh, effort. Mahal naten eh. Nanakit nga likod ko but ok lang para naman sa mahal ko,” dagdag pa nito.

Bukod pa dito, kinutsaba nya rin ang kanilang anak kung nasaan ang kaniyang mama, upang maisagawa ang kanyang pasurpresa.

Noong una ay nais nya itong ikumot sa kanyang misis habang natutulog para pag gising nito ay magugulat ito sa mamahalin nyang kumot.

Ngunit dahil sa sobrang excited na si mister ay naisipan na lang itong gawing sinampay dahil tamang-tamang umuulan nung gabing iyon

“Pag-uwi ko galing sa shop ni-ask ko muna anak ko kung nasaan ’yung mama nila, sabi naliligo. Ayun dali dali akong umakyat sa rooftop. Ikukumot ko nga sana ’yun kinabukasan sa kanya habang natutulog but excited eh. Sinampay na lang. Basta can’t explain na-excite lang talaga nang sobra,” ani pa Sanchikz sa panayam sa kanya

Sobrang nag-trending ito sa social media at maging laman ng mga balita. Marami ring kinilig at napa sana all sa anniversary gift ni Mister sa kanyang may bahay. *

Continue Reading

Trending