Connect with us

inspiring

Umulan, Bumaha, at Lumindol, Tuloy ang kasalan.

Published

on

Tunay ngang “Love conquers all”, at ito ay pinatunayan ng bagong kasal na si Wenie at Ralyn ng Nasugbu, Batangas. Ang facebook post na ito ay nag viral sa lahat ng plataporma ng midya. At syempre sino bang hindi mahu-hook sa kwentong ito. Di na napigilan ng inang kalikasan ang pag-iisang dibdib ng magkasintahang Wenie at Ralyn.

Noong araw ng kanilang kasal, wala na umanong tigil ang pag-ulan sa Nasugbu, Batangas dahilan upang bahain ang daanan papunta sa simbahan. Kwento ng newlyweds, itinuloy talaga nila ang kasal dahil ayaw na nilang patagalin pa ito, sinuong nila ang abot tuhod na baha para lamang makarating ito sa simbahan. Sabi nga to make the most out of it, tinake-advantage din nila ang baha upang makapag-photoshoot ang dalawa.


Pagkatapos ng seremonya, ang bagong kasal ay na-stranded sa baha kaya sila mismo ay na-late sa kanilang reception. Mala-pelikuka ang naging danas ng bagong kasal, itinuturing daw din nila itong mala delubyo dahil sa mga kaganapang kanilang kinaharap sa araw ng kanilang kasal, ngunit ang pagsubok raw na ito ay isa mga bagay na lalo lamang magpapatibay sa kanilang pagmamahalan. Sinabi din na nung araw na iyon ay niyanig ang Batangas ng magnitude 6.6 na lindol. Aniya ng mag-asawa kahit bagyo, lindol o ano pa man iyan itutuloy parin nila ang kasal.


Naransan na natin parehas kung ano young hirap, so yun yung talagang magpapatibay satin. Kung may pagdadaanan pa tayo na mas mahirap don o kaya ganun din kahirap, na kaya nga natin yon eh so kakayanin pa natin parehas yun ng magkasama” Aniya nila. Pinanghinaan man sila ng loob sa naging sitwasyon at pangyayari, itinuloy parin nila ang palitan ng “I do.” Di na naitago ng ating mga netizen ang kanilang pagka “sana ol” sa bagong kasal na ito, narito ang ilang mga komento…

ayon kay netizen Ako Si Rose, “Yan ang tunay na matatag walang sukuan malakas ang loob sa hamon ng panahon, congatulations both of you, Good luck and God bless 

Sabi naman ni Chang Chang, “Sana all. Congrats po” Sabi din ni netizen Alvin Lee, “I am praying for your forever love” Tunay ngang walang makakapigil sa taong nagmamahalan, kaya para sa bagong kasal na si Wenie at Ralyn, Maligayang Kasal para sa inyo, nawa’y patuloy kayong magmahalan!

Sabi naman ni Chang Chang, “Sana all. Congrats po” Sabi din ni netizen Alvin Lee, “I am praying for your forever love” Tunay ngang walang makakapigil sa taong nagmamahalan, kaya para sa bagong kasal na si Wenie at Ralyn, Maligayang Kasal para sa inyo, nawa’y patuloy kayong magmahalan!

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

inspiring

Usap-Usapan Ngayon Sa Socmed Ang Dalawang Transwoman Na Naging Mga “Flight Attendant Ng Cebu Pacific.

Published

on

Naging Mga “Flight Attendant Ng Cebu Pacific.

September 6, 2021Ang isa sa pinaka masarap na libangan ay ang pagbabyahe sa ibat-ibang lugar, ito rin ang nauuso at interest ng mga tao ngayon ay ang mag-travel.

May kamahalan ngunit talaga namang kakaibang “experience” at saya ang iyong mararamdaman lalo na kapag nakita mo na ang angking kagandahan ng isang lugar at destinasyon na iyong pupuntahan.

Ngunit bago ka nga makapunta sa mga pangarap mong lugar o destinasyon sa ibang bansa ay kailangan mo muna sumakay ng eroplano at para din maranasan mo ang serbisyo ng mga airline companies at ang mababait na flight attendants na siyang tutulong sa iyong paglalakbay.

Samantala, ang alam ng marami sa atin na lalaki at babae lamang ang mga flight attendant, ngunit sa hindi nakakaalaman ay mayroon na tayong mga flight attendant na mga “transwoman”.

Sila ang sinasabing kauna-unahang mga transwoman flight attendants ng Cebu Pacific.

Kapag nakita mo talaga ang dalawa ay hindi mo talagang aakalain na sila ay transwoman dahil sa kanilang itsura at tindig na babaeng babae.

Ang karanasan at tagumpay naman nina Mikee at Jess ay naging isang malaking inspirasyon para sa katulad nila na nangangarap maging flight attendant.

Ayon sa dalawa hindi naging madali ang lahat at hindi biro ang kanilang pinagdaanan, ngunit totoo nga ang kasabihan na ang lahat ay may katapusan lahat ng hirap ay napawi ng saya dahil nag bunga lahat ang kanilang pagsasakripisyo at pagsusumikap.

Kwento ni Mikee at hindi niya akalain na ang lahat ng ito ay mangyayari dahil alam niya na ang kanyang sitwasyon ay hindi pinapayagan sa ating bansa.

Ngunit nang dumating sa kanya ang pagkakataon at dahil na rin sa pamimilit at pagsuporta ng kanyang partner ay nangyari ang dati ay akala niya na hanggang pangarap nalang.

Para kay Mikee ang kanyang pagiging positibo sa buhay, dedikasyon at pagtitiyaga ang naging susi at daan niya para mapagtagumpayan ang kaligayaha na kanyang tinatamasa ngayon sa buhay.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating pangarap mo lang na akala mo ay imposible ay matutupad pala.

Kaya naman para sa lahat sana ay maging inspirasyon si Mikee at Jess na wala talagang imposibleng pangarap kung tayo ay hindi titigil sa pagsisikap at patuloy lang abutin ang pangarap para sa tagumpay ng buhay.

Continue Reading

inspiring

Isang ‘Super Lola’ Ang Nag Viral Dahil Sa Sipag Nito Sa Paghahanap Buhay Bilang Ice Cream Vendor.

Published

on

Sa tuwing makakakita tayo ng matatanda na kumakayod pa rin sa buhay ay hindi natin napipigiling mapaisip kung bakit sa edad nila ay nakakayanan pa rin nilang maghanap buhay. Nakakahanga din dahil kahit na may edad na sila ay malalakas pa rin nag kanilang katawan at kayang kaya pang makipagsabayan sa mga bata.

Isang ‘super lola’ ng Bulacan naman ang nag viral kamakailan dahil sa sipag nito sa paghahanap buhay bilang ice cream vendor.

 Ayon sa mga ulat, si Lola Angeles Merin ang inaasahan ng kanyang pamilya sapagkat ang asawa nito ay wala ng kakayahang magtrabaho pa. Na-str0ke ang kanyang asawa na naging dahilan para hindi na siya makalakad pa. Si Lola Angeles ay 73-anyos na residente ng Bulacan. Apat na barangay sa Bulacan ang nililibot niya para makapagbenta ng tinda nitong ice cream.

Aminado si Lola Angeles na hindi madali ang kanyang trabaho lalo na at mabigat ang kanyang pinapasan na paninda at malayo ang lugar na kanyang pinaglalakuan.

Sa kabutihang palad ay binigyan naman si Lola Angeles ng Unang Hirit ng mga grocery items bilang tulong sa kanya at sa kanyang pamilya. Marami ang humahanga kay Lola Angeles dahil sa kasipagan nito sa kabila ng kanyang edad.

Continue Reading

inspiring

Anniversary Gift Ng Isang Mister Sa Kanyang Asawa Pinakamamahalin Na Sinampay.

Published

on

Kahit sino marahil ang utusang kumuha ng sinampay ay tiyak na sisipagin at gaganahan basta makitang tumataginting na 200K na tig-iisang libo ang iyong mga sinampay.

Nagviral ang videong ito na ibinahagi sa Tiktok ng netizen na si Sanchikz, at ngayon ay umaabot na sa 1.1 million views ang nasabing video. *

Ayon sa uploader ng video, nais nyang sorpresahin ang kanyang may bahay sa kanilang 13th wedding anniversary at talaga namang napasaya nya ng husto ang misis.

“Gusto ko lang talaga pasayahin at maging memorable ’yung 13th anniversary namin ng wife ko. Kung tutuusin, kulang pa po ’yan binigay ko sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal niya samin at ’di talaga matutumbasan ng pera ’yun,” pahayag ni mister sa panayam sa kanya ng The Philippine Star.

Nais ni mister na masuklian naman ang pagod, sakripisyo at pagmamahal na ibinubuhos ng kanyang misis sa kanilang pamilya.

Kaya naman nag-isip si mister ng magandang paraan kung saan ay masu-sorpresa nya ang kanyang kabiyak at hindi naman siya nagkamali sa naging desisyon.

Makikita rin sa video sa Tiktok kung paano nya ito masusing binuo ang tig-iisang libo at inilatag sa isang plastic cover na nagmistulang kortina na nakasamapay.

 “Iba talaga kapag ikaw gumawa eh, effort. Mahal naten eh. Nanakit nga likod ko but ok lang para naman sa mahal ko,” dagdag pa nito.

Bukod pa dito, kinutsaba nya rin ang kanilang anak kung nasaan ang kaniyang mama, upang maisagawa ang kanyang pasurpresa.

Noong una ay nais nya itong ikumot sa kanyang misis habang natutulog para pag gising nito ay magugulat ito sa mamahalin nyang kumot.

Ngunit dahil sa sobrang excited na si mister ay naisipan na lang itong gawing sinampay dahil tamang-tamang umuulan nung gabing iyon

“Pag-uwi ko galing sa shop ni-ask ko muna anak ko kung nasaan ’yung mama nila, sabi naliligo. Ayun dali dali akong umakyat sa rooftop. Ikukumot ko nga sana ’yun kinabukasan sa kanya habang natutulog but excited eh. Sinampay na lang. Basta can’t explain na-excite lang talaga nang sobra,” ani pa Sanchikz sa panayam sa kanya

Sobrang nag-trending ito sa social media at maging laman ng mga balita. Marami ring kinilig at napa sana all sa anniversary gift ni Mister sa kanyang may bahay. *

Continue Reading

Trending