Connect with us

Uncategorized

Matapang Na Tinawid Ang Buwis-Buhay Na Tulay Na Gamit Ay Lubid Ng Babaeng May Kargang Bata Sa Oriental Mindoro.

Published

on

Babaeng May Kargang Bata sa Oriental Mindoro, Matapang na Tinawid ang Buwis-Buhay na Tulay Na Gamit ay Lubid!

Naging viral ang isang video na ibinahagi ng netizen sa Sirbisu Channel, laman kasi ng nasabing video ay ang buwis buhay na pagtatawid ng mga residente sa tulay, tulad na lamang ng babaeng may bitbit pang maliit na bata.

Kahit masasabi nating nasa maunlad na panahon na tayo ngayon ng teknolohiya at komunikasyon, may iilang lugar pa rin na nananatiling mahirap ang paggalaw sa komunidad dahil sa hindi maayos na mga daanan at tulay na isang malaking tulong sa mga mamamayan.

Lubid lamang ang inaapakan ng babae habang may karga pa itong bata. Talagang delikado at nakakatakot ang ganitong uri ng daanan, di mo alam kung kailan bibigay ang tali at mameligro ang buhay ng mga tumatawid dito.

Kaya hiling naman ng uploader na sana mapansin ang kanilang hinaing at magawan na sila ng tulay upang hindi na sila kailangan pang magtiis sa delikadong tulay.

Marami naman sa mga netizen ang nabahala sa pagtawid ng babae, lalo pa at may kasama itong bata. Nangangamba rin ang marami sa kaligtasan ng mga residente doon. Nawa’y matulungan na ang mga tao doon at malagyan ng maayos at konkretong tulay. Huwag mahiyang ibahagi po natin ito upang makarating sa mga  Opisyal ng Pamahalaan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Entertainment

Anne Curtis, Nakakaramdam Ng Lungkot Ngayong Unti-Unti Nang Tumitigil Sa Pagbreastfeed Sa Anak Na Si Dahlia Amélie.

Published

on

Hindi mapigilan ng aktres at first-time mom na si Anne Curtis na maging emosyonal ngayon na nagsisimula nang masanay ang kanyang anak na si Dahlia Amèlie na kumain ng pagkain bukod sa kanyang breastmilk.

Sa pagdiriwang ng World Breastfeeding Week ngayong buwan ng Agosto, ibinahagi ni Anne ang kanyang personal journey sa pagpapadde sa kanyang anak na si Dahlia.

Sa Instagram, nagbahagi si Anne ng ilang larawan niya na nagpapadéde kay Dahlia sa iba’t ibang lugar.

Ayon kay Anne, hindi naging madali ang kanyang breastfeeding journey bilang isang first time mom.

Gayunman, masasabi niyang isa itong hindi malilimutang karanasan na habambuhay niyang dadalhin.

“17 months of breastfeeding in some pretty random places. It wasn’t easy. I had my own struggles (let’s just say there was curling of toes & frozen cabbage involved -thanks mum) but it’s been an unforgettable first time journey so far. One I’ll always cherish,” ani Anne.

“All the little moments shared between her and I (hair pulling and biting included)” dagdag niya.

Inamin naman ni Anne na nakakaramdam siya ng lungkot ngayon na unti-unti nang tumitigil sa pagdéde ang kanilang baby.

Kwento pa ni Anne, unang napansin ng asawa niyang si Erwan Heussaff ang pagbabago ng kanyang emosyon sanhi ng unti-unting pagtigil ni Dahlia sa pagdéde.

“But I also just want to share that there’s one thing I wasn’t aware of, that I kinda wish I knew – when I started dropping feeds (when food became her main source of nutrients) my hormones started changing and I was just very quiet and felt somewhat melancholic.. I didn’t really notice till erwan called me out. Did myself some reading and learned that it’s because of a drop of prolactin and oxytocin levels when you start to lessen feeds,” bahagi ni Anne.

Dagdag ni Anne, malaki ang naitulong ng unti-unti niyang pagtigil sa pagpapadéde kay Dahlia upang hindi biglaang magbago ang kanyang hormones. Pagbabahagi ni Anne, dalawa hanggang tatlong beses na lamang siya sa isang araw na nagpapadéde kay Dahlia ngayon.

Samantala, sa kabila ng mga hamon na naranasan niya habang nagpapadéde sa unang pagkakataon, sinabi ni Anne na tini-treasure niya ang bawat sandali ng kanyang breastfeeding journey.

Payo naman ni Anne para sa mga kapwa niya breastfeeding moms na may “personal struggles” din sa pagpapadéde, “You do you. You and your doctors will know what works for your little one and will keep them happy, busog and content.”

Ipinanganak ni Anne si Baby Dahlia Amèlie noong Marso 2, 2020 sa Australia.

Continue Reading

showbiz

Gaganap Din Na Upcoming Darna Si Iza Calzado Sa TV Series Ni Jane De Leon.

Published

on

Gaganap si Iza Calzado bilang ang dating si Darna na siyang magpapasa ng bato sa bago nitong may ari na siyang karakter ni Jane De Leon, bahagi pa ni Iza na masaya siya sa balitang ito.

Ayon kat Iza sa wakas ay mapapabilang na siya sa Darna World na ka-muntikan na rin siyang mapabilang noon, “Finally, I can claim to be part of the Pinoy superhero history! I almost had the chance in the past, but God had other plans. I was not meant to be that Darna but he surely prepared me to play this Darna,” lahad ni Iza sa The Star ng PhilStar.

naunang ini offer kay Iza Calzado ang naturang serye ngunit hindi naman nag materialize.

Mahigit sa labing-anim na taon mula ng unang ini offer sa kaniya ang serye at sa wakas ay gaganapan na ni Iza ang naturang titular role na Darna.

Everything always happens in His perfect time. I call it Divine Timing. Being a hero during these challenging times is exciting and female one at that just means so much more.

Of course, I do recognize that with great power comes great responsibility. As cliche as it sounds, there is truth to this,” dagdag pa ni Iza na labis kasiyahan at nagpapasalamat saDiyos   dahil sa opportunity na ibinigay sa kaniya patungkol sa proyektong ito.

Matagal tagal na rin umanong nagti training si Iza Calzado at nakikipag ugnayan sa mga sa mga stunt coaches upang paghandaan ang nalalapit na paglipad niya bilang si Darna.

unang inanunsyo ang proyektong ito bilang pelikula na pagbibidahan ni Angel Locsin, ngunit dahil sa health issue ay kinailangan niya itong bitawan na kalaunay ibingay kay Liza Soberano.

Ngunit sa kalagitnaan naman ng training ay nagkaroon ng injury si Liza Soberano kaya mapunta naman kay Jane De Leon ang proyekto at sa kalagitnaan ng pandemya ay napagdesisyunan nang pamunuan na gawin na itong TV Series.

Sa kasalukuyan ay nakatakdang mag lock in taping ang casts ngayong September na at inaasahang umere sa huling bahagi ng taon. Si Jane De Leon, Iza Calzado at Joshua Garcia ang ilan sa kumpirmadong kabilang sa naturang upcoming serye.

Sa latest article na inilathala ng Philippine Star ay nakapanayam nila ang kapamilya actress na si Iza Calzado patungkol sa upcoming projects nito.

At dito ay kinumpirma ni Iza Calzado na mapapabilang siya sa highly anticipated series na ‘Darna Tv Series’ kung saan kagaya ni Jane De Leon ay gaganap din siya bilang si Darna.

Continue Reading

Uncategorized

Vlogger na Nag-live sa Ginawang “Octopus Mukbang”,Laking Pagsisisi.Alamin

Published

on

Hindi lang libangan ang hatid ng mga gadget bagkos itoy pinagkakakitaan  ginagamit ng mga negosyante.

Kadalasan sa ngayon ay makikita nating maraming naging kilala na mga vlogger/content creator. Gumagawa sila ng video o nagsusulat patungkol sa mga nagustuhan nilang content na nagbibigay kaalaman, aliw at kasiyahan sa publiko gamit ang kanilang gadget at magandang internet connection .

Pagalingan at pagandahan ng content ang dapat gawin upang makahakot ng maraming shares at likes sa publiko upang kumita ng malaki. Sa ngayon Marami ng sikat na mga vlogger  at mayroon namang nag uumpisa pa sa larangang ito.

Marahil ay marami na rin ang mga nahihilig sa panunuod ng “mukbang”. “Eating broadcast” ito sa salitang Ingles kung saan makikita ng mga manunuod ang mga “mukbanger” na kumakain ng sari-saring mga pagkain. Una nang nakilala ang South Korea sa ganitong mga videos, umaabot pa nga ng $10,000 sa loob ng isang buwan ang sweldo ng mga professional mukbangers o halos nasa Php483,675.00!

Hindi na nakapagtatakang marami talaga ang susubok sa trabaho na ito. Tulad na lamang halimbawa ng Chinese vlogger na ito na nagtampok ng “Octopus Mukbang” sa isa sa kaniyang mga live videos.

Sa umpisa ng video ay talagang makikita na ang paglingkis sa kaniya ng naturang “octopus”. Talaga namang napakahigpit ng pagkakakapit nito sa kaniyang mukha, dahilan upang matakot, umiyak at magsisigaw siya.

Ilang minuto pa ang lumipas at natanggal na rin niya sa wakas ang “octopus” sa kaniyang mukha ngunit nagkaroon siya ng maliit na sugat sa kaniyang pisngi na ayaw mag-ampat ng dugo. Pinagsisihan ng husto ng vlogger na ito ang pagkain ng isang buhay na pugita sa kaniyang live video.

Sa halip na ma-enjoy ang kaniyang pagkain ay nagdulot pa ito ng takot para sa kaniya at pagkabahala sa mga taong makakapanuod ng kaniyang video.

Continue Reading

Trending